When I was going to search an important matter from my group at facebook! I remembered the night when I made this poem on the spot :
ISANG LINGGO NALANG KAIBIGAN
Isang linggo na pupunuin ng KALIGAYAHAN,
Isang linggo na bubusugin ng KAHARUTAN,
Isang linggo na lalasapin ang BAWAT USAPAN,
Isang linggong sasabihin SALAMAT KAIBIGAN!
Limang buwan tayong magkasama,
Maikling panahon nga pero masaya,
Nagkaroon nga tayo ng simpatya,
At boom! Tayo’y naging ISA.
Anim na araw kung tayo ay magkita,
Magkasama pero hindi nagsasawa,
Anim na araw na puno ng ligaya,
Anim na araw, gumagawa ng ala-ala.
Pero hindi doon nagtatapos, dahil may hirit pa;
Magdamagan sa labas gagala,
Iimbitahan dito, walang ngay kontra,
Dahil bawat isa ay sasama,
Gabi nga kung tayo’y umuwi,
Sa kwentuhan kulang ang isang sandali,
Samahan pa ng laro konti,
Mukha natin ay puno ng ngiti!
Hindi natin maiiwasang puso ay tumibok,
Sa isang taong tayo ay marupok,
Hiya natin atin ay linulunok,
Para sa ganun, mapansin tayo; yun sana ay matumbok.
Isang linggo nalang kaibigan,
Para mga ala-ala ay mabigyan ng kahulugan,
Isang linggo nalang kaibigan,
Lubos lubusan na natin ang tawanan!
Oras na ba para sabihin,
Ang katagang mahirap bigkasin,
Siguro nga oo, baka hindi pa natin mapansin,
“Paalam kaibigan”, sa labi natin nagdidiin.
No comments:
Post a Comment