Habang ako’y nagsusulat nitong tula,
Ang imahe sa isip ko ay iyong mukha,
Habang mga labi ko’y nagsasalita,
Boses mo aking nadarama!
Alam mo ba kung bakit nabuo itong likha,
Dahil sa mga ngiti mong nakakamangha,
Sa bawat linya na iyong nababasa,
Ikaw ang larawan, wag ka ng magtaka!
Pag-ibig nga ba ang aking nadarama,
O isa lamang paghanga,
Katulad sa isang ilog na umaagos,
Panahon din ang tatapos.
Nung una kang makita
Tingin ko sayo’y kumpitensya,
Pero ako yata’y talo na,
Pagkat nahulog ako sa iyong tiwala!
Kaibigan ang hiling, kaibigan lang sana;
Bakit ngayon ako’y nganga,
Sa tula na lang idadala,
Paghanga sayo, sana matapos na.
Pero bakit ayoko pa,
Kahit ang sakit sakit na,
Imbes na ngiti ay luha,
Ang dumadaloy sa aking mukha.
Galit ako sa aking sarili,
Dahil wala akong magawa,
Alam kong wala ako sa iyong mga pili,
Dahil hindi naman ako ang iyong hiwaga!
Bait mong nakakainis,
Mukha mong hindi matiis,
Galing mo ay labis labis,
Simple ka pero kanais nais!
Simple mong tawa, ay aking
ligaya;
Lungkot mo, sana ako nalang magdala,
Ayos lang sakin maging masokista,
Kung ikaw naman nyan, handa akong magpa-alila.
Sa tuwing ikaw ay magyaya,
Puso ko’y tumutalon sa ligaya,
Sa tuwing ikaw ay masaya,
Kilig ko tagos na sa kaluluwa.
Sana’y iyo ngang nababasa,
Ng ng saganon ay iyong madarama,
Pag-ibig na idadaan nalang sa kanta,
na sasabayan ng musika sa gitara.
Mahal kita, oo mahal kita.
Gusto kita, oo, sobra sobra.
Kung pwede lang, tayo nalang sana;
Kung pwede lang, kung pwede lang.
Grabe, wala na akong masabi pa,
Sa tulang itong kay haba haba,
Kasama ng liwanag sa lampara,
Umaaninag sa aking luha!
Sige na nga, ito’y tatapusin na,
Ako’y na ngayo’y hihiga na sa kama,
Pero iniisip parin kita,
Doon sa panaginip, ikaw ang makasama.
No comments:
Post a Comment